56
harry-roque
By

Bahala na ang SC sa SALN ni Sereno – Palasyo

Sharing is caring!

Nasa Korte Suprema na ang disposisyon kung paano pagpapasyahan ang mga narekober na kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inihayag ito ng Malacañang matapos mapaulat na nahanap na umano ang siyam na kopya ng SALN ng Punong Mahistrado na nahaharap ngayon sa kasong impeachment at quo warranto petition.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang Korte Suprema ang higit na nakakaalam kung ano ang gagawin sa kopya ng SALN lalo pa at isa ito sa mga reklamo kay Sereno.

Tumanggi si Roque na magkomento sa tanong kung ang mga nahanap na SALN ay makapagpapahina ba sa reklamo laban kay Sereno.

“The alleged discovery of missing SALN s should be addressed by the SC, the latter being the tribunal hearing the quo warranto petition,” ani Roque.

Kasalukuyang nasa Kamara ang reklamong impeachment laban kay Sereno habang nasa Korte Suprema naman ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?