64
office-of-the-ombudsman
Oct 24, 2018 @ 15:55
By

Bahala na ang Ombusman – Enrile sa reklamo nina Taruc, Mamba

Wala naman umanong magagawa ang 94-anyos na dating senador kung papaboran ng Office of the Ombudsman at ng Supreme Court ang kahilingan ng mga kapwa niya politiko sa kanilang lalawigan na ibalik siya sa kulungan.

“I leave it to the good judgment of the Ombudsman and the Supreme Court. They (referring to petitioners) have not done so much for the progress of the province, but just talk and talk,” pahayag ni Enrile sa ginanap na forum sa Quezon City.

Sina Cagayan Governor Manuel Mamba at dating Baguey Mayor Ignacio Taruc ang tinutukoy ni Enrile na siyang mga nagrereklamo sa petisyon na isinumite sa Office of the Ombudsman nitong nakaraang Lunes.

Sa petisyon nina Mamba at Ignacio, dapat umanong ibalik sa piitan si Enrile dahil hindi umano ito angkop na maglunsad ng nationwide campaign dahil nabigyan lamang ito ng piyansa dahil sa katandaan nito at humihinang kalusugan.

Subalit iginiit ng dating senate president na humina siya habang nakakulong sa Camp Crame dahil hindi siya masyadong makakilos sa loob ng piitan at mabilis magkasakit.

“They hate me. They do not say anything good about me. The (Mamba) family is ingrate. I recommended the appointment of Mamba as mayor,” ayon kay Enrile.

Si Mamba ay alkalde ng Tuao, Cayagan mula 1988 hanggang 1995. Naluklok ito bilang gobernador noong 2016. Siya ay kasal sa abogadang si Mabel Villarica Mamba, kasalukuyang board member ng Philippines Charity Sweeptakes Office.

“After 40 years as politicians, they have not done anything for the progress of the province. All developments took place while I was in government service,” giit ni Enrile.

Magugunitang si Enrile ay naakusahan na nakikinabang sa P10-bilyon na Priority Development Fund, na kilala rin bilang pork barrel scam dahilan ng kanyang pagkakulong.

Matapos magtagal sa piitin sa loob ng 13 na buwan ay nakapagpiyansa siya at nakalaya alinsunod sa kautusan ng mataas na korte bilang konsiderasyon sa kanyang edad at kalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?