ABANTE TNT traslacion 2018 nazareno quiapo

Bahala na ang LGUs sa kaayusan sa Traslacion – Palasyo

Sharing is caring!

Nasa kamay na ng mga lokal na opisyal ang tagumpay ng Traslacion ng poon ng Itim na Nazareno sa Martes.

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng taunang tradisyon sa prusisyon ng poon ng Itim na Nazareno.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, kabisado na ng mga pulis, barangay captains at barangay tanod ang mga dapat gawin tuwing may traslacion dahil taon -taon na nila itong ginagawa.

Hinimok ni Andanar ang publiko lalo na ang mga hindi sasali sa traslacion sa Martes na mag-obserba at magdasal para sa kaligtasan ng lahat.

“Sanay na po ang ating mga local government units diyan. So, just observe and pray during that day,” ani Andanar.

Taon-taon aniya ay dumadami ang taong sumasama sa banal na aktibidad dahil sa paniwalang may milagro para sa humihingi ng tulong sa poon ng itim na Nazareno.

“Alam mo kasi ang mga kababayan natin, talagang iyon ang kinakapitan nila eh,halos lahat…kaya dumadami nang dumadami . And because of the phenomenon nga na everytime na may pumupunta doon at nahahawakan itong lubid, ay gumagaling itong sakit,”dagdag pa ni Andanar.

Kabilang sa personalidad na deboto ng itim na Nazareno at sumasabay sa traslacion ay si dating Vice- President Noli de Castro. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?