6

Sep 27, 2020 @ 22:44
By

Bahala ka Lopez – Padriago, Lazaro

Gustuhin mang makasama ng dalawang incoming Ateneo Blue Eagle na sina Forthsky Padrigao at Josh Lazaro ang tropang si Lebron Lopez, nirerespeto pa rin ng mga ito anuman ang kanyang maging pasya sa karera.

Para kina Padriago at Lazaro, kahit sanggang dikit silang tatlo ni Lopez, hinahayaan nila itong makapag-isip kung ano ang nararapat sa kanyang basketball career.

Kahit na na-link kasi sa Tate si Lopez, napabalitang mananatili pa rin ito para sa Katipunan-based squad.

Sina Padriago at Lazaro ay may natitira pang 1 taon sa Eaglets bago tumuntong sa college team habang si Lopez naman ay may dalawa pang taon sa high school Blue Eaglets.

Sakaling piliin ni Lopez na maglaro sa Eagles ay magkakasama-sama ang tatlo sa UAAP season 85 men’s caging.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?