105

Dec 30, 2018 @ 19:53
By

Bahaing Matnog walang pondo sa flood control – Andaya

Iwinaksi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na zero budget para sa flood control ang bayan ng Matnog sa Sorsogon.

Lubog sa baha ngayon ang 19 na barangay sa Matnog dahil sa Bagyong Usman.

Pero sabi ni Andaya, ang bayan ng Casiguran kung saan re-eleksiyonista ang balae ni Secretary Benjamin Diokno ay pinaglaanan ng Department of Budget ng Management (DBM) ng tumataginting na P325 milyon kahit wala namang banta ng baha sa susunod na 25 taon.

“What is really the basis of allocating public funds for flood control projects? Climate change ba talaga o affinity to the DBM Secretary?” tanong ni Andaya.

“Isang bayan lang, hindi pa binabaha, may allocation na 0.3 percent ng P114.4-billion total national budget allocated by DBM for flood control projects next year. Wow!” dagdag ng kongresista.

Ayon kay Andaya, malinaw na may problema sa alokasyon ng pondo ang DBM.

Isa anya ito sa mga isyung tatalakayon ng House rules committee sa isasagawang public hearing sa Naga City sa Enero 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?