21

Oct 21, 2020 @ 16:22
By

Bahagi ng Tagaytay Bypass Road bukas na

Binuksan na sa mga motorista ang Maitim at Kaybagal section ng four-lane Tagaytay Bypass Road Project sa Tagaytay City, Cavite.

Pinangunahan ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang inauguration ng 1.54 kilometrong bahagi ng kalsada na nilagyan ng bike lane.

“The opening of these two sections is only the beginning as we have been prioritizing the inclusion of Tagaytay Bypass Road Project in the national budget since 2018,” sabi ni Villar sa isang statement.

Kapag nakumpleto na, inaasahang mababawasan ng Tagaytay Bypass Road ang biyahe mula Alfonso hanggang Tagaytay City sa 20 minuto na lang mula sa dating 53 minuto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?