13

Apr 8, 2021 @ 20:28
By

Bahagi ng EDSA isasailalim sa repair

Magsasagawa ng pagkukumpuni at reblocking sa bahagi ng EDSA ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Gagawin ang pagkukumpuni at reblocking mula Abril 9 hanggang Abril 12 sa bahagi ng EDSA Muñoz sa harap ng East West Bank & Floor Center, Shell, Goodyear, Shell Select & SkyMart.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nasabing kalsada at gumamit ng alternatibong ruta.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, maaari nang madaanan ang mga apektadong kalsada pagpatak ng alas-5 ng madaling-araw sa Abril 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?