134

Bahagi ng Davao Airport, nagkabitak dahil sa magnitude 6.9 quake

Ginulantang ng magnitude 6.9 na lindol ang Davao del Sur nitong Linggo ng hapon, dahilan para masira ang ilang istruktura sa lugar.

Sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nagkaroon ng crack ang Davao Airport dahil sa ilang aftershock matapos ang lindol.

Wala namang naitalang sira sa runway ng airport.

“Recent strong aftershock resulted to cracks on the ground near Passenger Boarding Bridge #5 and International Baggage buildup area. Still verifying level of damage,” ayon sa report.

Sa nasabing lindol, ilan ding building ang nagkaroon ng sira tulad ng Ateneo de Davao University at isang ospital, samantalang gumuho ang isang supermarket na ikinamatay ng 3 katao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?