188

Jun 20, 2021 @ 22:24
By

Bahagi ng Cartimar, nasunog

Naabo sa sunog ang isang parte ng Cartimar Market sa Luna St., Pasay City nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng Xiong Hua building.

Umakyat sa unang alarma ang sunog dakong alas-7:15 p.m. ng gabi at matapos lamang ang anim na minuto ay umabot agad sa ikalawang alarma.

Sa laki ng sunog ay kinailangang isara ang ilang parte ng Taft Avenue sa paligid ng gusali para magkaroon ng espasyo ang mga rumespondeng bumbero.

Idineklara ng Bureau of Fire Protection – Pasay na under control ang sunog dakong alas-8:30 p.m. ng gabi at tuluyan namang naapula dakong alas-9:04 p.m. ng gabi.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog, bagamat tinataya pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng mga natupok ng apoy.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?