165

Dec 15, 2017 @ 14:26
By

Bagyong Urduja, ‘steady’ lang – PAGASA

Hindi halos gumagalaw ang bagyong Urduja na kumikilos sa mabagal na limang kilometro bawat oras kaya Sabado ng umaga o sa tanghali na ang inaasahang tatama ito sa bahagi Northern at Eastern Samar.

Sa latest bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo 240 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar at taglay nito ang lakas ng hanging nasa 75 kph at bugsong 90 kph.

Napanatili.umano ng bagyo ang lakas nito habang papalapit sa Samar kaya nanatiling nakataas ang public storm warning signal number 2 sa Northern Samar,Eastern Samar,Samar at Biliran habang nakataas ang signal number 1 sa Catanduanes,Camarines Sur,Albay,Sorsogon,Romblon,Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands,Leyte;Southern Leyte,Northern Cebu,Capiz,Aklan,Northern Iloilo at Dinagat Islands.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Lorieden dela Cruz nag-abisa na sila sa lokal na pamahalaan sa Eastern Visayas,Caraga at Bicol Region na maghanda sa malakas na paguulan sa loob ng susunud na 24 oras.

“Residents of these areas must undertake appropriate measures against flooding and landslides and coordinate with their respective local government and disaster risk reduction and management offices”nakasaad sa advisory ng PAGASA.

Mahigpit pa din na ipinagbabawal ang paglalayag sa eastern seaboards ng Bicol Region at Visayas. (Tina Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?