138

Dec 2, 2019 @ 21:49
By

Bagyong Tisoy: NAIA isasara sa Disyembre 3

Isasara ang lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Martes, Disyembre 3.

Ayon sa Manila International Airport Authority, ito’y dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Tisoy.

Sarado ang airport mula 11 a.m. sa Martes hanggang 11 p.m.

Kabuuang 480 flights ang inaasahang maaapektuhan nito.

“Ito po ay technically force majeure para sa safety ng pasahero. Lalo na ho ngayon na halos mga hotel ay puno dahil sa SEA Games, ako ay nakikiusap sa pasahero na huwag na pumunta sa paliparan,” paliwanag ni MIAA General Manager Ed Monreal.

Pinayuhan nito ang mga pasahero na makipag-coordinate sa kani-kanilang airlines para sa schedules ng flights.

Inaasahang babagsak ang bagyong Tisoy sa Bicol sa susunod na mga oras.

Kasalukuyang nasa Signal No. 2 ang Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?