101

Nov 19, 2018 @ 10:29
By

Bagyong Samuel maaaring maging kasing lakas ng bagyong Urduja

Nagbabala ang PAGASA na asahang mananalasa ang bagyong Samuel katulad ng pananalasa noon ng bagyong Urduja na kumitil ng 43 buhay noong Disyembre nang nakaraang taon.

Ang bagyong Samuel ay nasa 660 km silanganng bahagi na ng timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas-4 ng umaga.

Ayon pa kay PAGASA weather forecaster Ariel Rojas mag-uudyok ang bagyong Samuel ng katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan na maaaring mag-trigger ng mga baha at landslide sa Caraga Region, Davao Oriental, Compostela Valley, Southern Leyte, Bohol, Camiguin at Misamis Oriental.

Dagdag pa niya, maaring tumindi ang tropical depression na Samuel patungo sa pagiging tropical storm na tulad ng bagyong Urduja bago ito direktang tumama sa Dinagat Island o Surigao Del Norte sa Martes ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?