78

Nov 10, 2017 @ 10:33
By

Bagyong Salome nanatili sa Zambales, Bataan

Napanatili ng tropical storm na Salome ang kanyang lakas habang mabagal na kumikilos sa baybayin sa pagitan ng Zambles at Bataan, ayon sa weather bulletin ng PAGASA.

Bandang alas-4:00 na madaling araw, namataan ang sentro ni Salome, 55 kilometro southwest ng Subic, Zambales.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbusong 100 kph habang mabagal ang paggalaw nito sa bilis 22kph patungo sa west northwest ng West Philippine Sea.

Nanatili ang tropical Cyclone Warning Signal No. 2 sa Bataan at southern Zambales habang Signal No. 1 sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Batangas, the rest of Zambales at northern Occidental Mindoro.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?