249

Oct 31, 2020 @ 21:39
By

Bagyong Rolly parang si ‘Rosing’ noong 1995 – Pagasa

May pagkakatulad ang bagyong Rolly sa Typhoon Rosing na nanalasa sa Luzon, 25 taon na ang nakalipas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Si “Rosing” ang isa sa pinakamalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas na may taglay na hangin na 180 kph at pagbugsong 240 kph sa paglapit nito sa Bicol region at pagtawid sa Metro Manila, gabi ng All Saint’s Day noong 1995.

Sa ulat, sinabi ni weather specialist Ariel Rojas, may pagkakatulad si “Rolly” sa dinaanan at lakas ni “Rosing”.

Maikukumpara rin aniya si “Rolly” sa iba pang nagdaang bagyo gaya nina “Glenda” at “Milenyo” na nag-landfall sa Bicol at direktang naapektuhan ang Metro Manila noong 2014 at 2006, ayon sa pagkakasunod.

Pero mas malakas aniya si “Rolly” kina “Glenda” at “Milenyo” sa taglay na hangin na 215 kph at pagbugsong hanggang 265 kph

Mayroon lang 120 kph maximum sustained winds si “Glenda” habang 155 kph kay “Milenyo” nang mag-landfall. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?