703

By

Bagyong Ramon, magla-landfall sa Sabado

Magpapaulan sa bansa ang Tropical Depression “Ramon”.

Ayon sa PAGASA, lalakas pa si “Ramon” bilang tropical storm at inaasahang magla-landfall sa Sabado sa Isabela o Aurora sakaling hindi magbago ang forecasted track nito.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Eastern Samar at eastern portion ng Northern Samar.

Naitala ang sentro ng bagyo sa 670 kilometro ng Borongan City, Eastern Samar.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugsong 70 kph.

Makakaranas nitong Miyerkoles ng light to moderate with occasional heavy rains ang Bicol Region, Northern Samar, Samar at Eastern Samar.

Light to moderate with intermittent heavy rains naman ang iiral sa Romblon, Marinduque at southern Quezon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?