42

By

Bagyong Ompong paalis na sa ‘Pinas

Sharing is caring!

Palabas na sa Pilipinas ang bagyong Ompong na nanalasa sa Hilagang Luzon at ilang bahagi ng Bicol at Catanduanes .

Sa press briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sinabi ni Dr. Espie Cayanan,Chief Weather Bureau ng PAGASA, unti-unti ng humihina ang bagyong Ompong habang palabas ng bansa.

Gayunman, kahit nasa karagatan na ang bagyo ay may hampas pa ang hanging dala nito.

Sinabi ni Cayanan na kahit nasa karagatan na ang mata ni Ompong ay mayroon pa ring peligro dahil sa balik ng hangin na posibleng magdulot ng storm surge at mga pagbaha sa Ilocos, Pangasinan at La Union.

“Yung warning signals ay hindi pa muna aalisin kahit nasa karagatan na si Ompong dahil may hampas pa ng hangin.

Inaasahang ganap na makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Ompong pasado alas-otso ngayong gabi (Setyembre 15),” ani Cayanan.

Linggo ng umaga ay posible aniyang magbaba o tatanggalin na ng PAGASA ang warning signals sa lahat ng panig ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?