83

By

Bagyong ‘Maymay’ pumasok na sa PAR

Sharing is caring!

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong may international name na ‘Jebi’ na pinangalanang ‘Maymay’.

Batay sa pinakahuling weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong alas-3:00 ng hapon ay namataan ang Typhoon ‘Maymay’ sa layong 1,375 km East Northeast ng Basco, Batanes.

Ito ay may taglay na lakas ng hangin na 190 kilometro kada oras at may pagbugsong 255 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph at hindi inaasahang tatama sa Philippine landmass.

Kaugnay nito, makararanas na umano ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa mga rehiyon ng Calabarzon, Bicol, at Mimaropa, kasama na rin ang buong Visayas.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay may bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated rainshowers.

Nabatid na ang Typhoon ‘Maymay ay ika-13 sama ng panahon na pumasok sa teritoryo ng ating bansa.

Ayon sa PAGASA, hindi inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa ang bagyong Maymay at inaasahang lalabas ng PAR ngayong Lunes ng umaga at tutungo sa direksyon ng bansang Japan.

Wala rin umanong direktang epekto ang bagyo sa Pilipinas at hindi rin makaaapekto sa southwest monsoon o hanging habagat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?