100

Sep 7, 2021 @ 23:43
By

Bagyong Kiko sinamahan si ‘Jolina’

Panibagong bagyo ang pumasok sa bansa at sinamahan si Severe Tropical Storm Jolina.

Ayon sa PAGASA, napanatili ni “Jolina” ang lakas habang gumagalaw sa Sibuyan Sea habang pumasok sa Philippine area of responsibility ang Severe Tropical Storm Kiko nitong hapon.

Si “Kiko” ang ika-11 bagyong pumasok sa bansa ngayong taon at ikalawa ngayong September.

Tuloy naman sa pagbayo si “Jolina” sa ilang parte ng Luzon at Visayas.

Inaasahang magpapaulan si “Jolina” hanggang sa Huwebes kabilang na ang Metro Manila, na inilagay sa Signal No. 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?