89

By

Bagyong Jenny, lumabas na ng PAR

Nilisan na ng Tropical Storm Jenny ang Philippine area of responsibility (PAR) nitong Miyerkoles.

Ayon sa PAGASA, alas-kuwatro ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo may 510 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan, na nasa labas na ng PAR.

Bunga nito, inalis na ang mga storm signal sa ilang lugar.

Sa kabila nito, nagbabala naman ang PAGASA na hindi pa rin ligtas na pumalaot sa mga karagatan ng Luzon at Visayas.

Si “Jenny” ang ika-sampung naitalang bagyo ngayong 2019 sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?