17
views

By

Bagyong Florita magpapaulan sa Ilocos, Cordillera, Cagayan

Sharing is caring!

Magdadala ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley ang bagyong Florita ngayong Sabado.

Sa 3 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang sentro ng bagyo sa 775 kilometro ng silangan ng Basco, Batanes.

Gumagalaw si “Florita” pa-northwest, 8 kilometro kada oras at may lakas ng hangin na 75 kph at pagbugsong 90 kph.

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang mararanasan sa Ilocos, Cordillera Administrative, at Cagayan Valley Regions.

Mahina hanggang sa katamtaman at minsan ay malakas na pag-ulan ang mararamdaman sa nabanggit na mga lugar na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Asahan naman umano na magiging maulap na may tsansa ng ulan na dala ng localized thunderstorms ang ilan pang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.

Posible rin umano ang flash floods o landslides sa ilan pang parte ng bansa dahil sa mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na maaari ring lumakas.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Linggo ng gabi ang bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?