91

Jul 18, 2019 @ 20:04
By

Bagyong Falcon lumabas na ng PAR

Inalis na ang mga storm signal sa ilang lugar matapos lisanin ni Tropical Storm Falcon ang Philippine area of responsibility (PAR) nitong Huwebes ng hapon.

Huling namataan ang bagyo sa 655 kilometro north-northeast ng Basco, Batanes.

Sa kabila nito, magpapatuloy naman ang bahagya hanggang sa malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales at Bataan habang “light to moderate rains” naman sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Samantala, binabantayan naman ng PAGASA ang low pressure area na nasa labas ng PAR na inaasahang lalakas bilang tropical depression sa loob ng 36 oras

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?