75
Bagyong Falcon: Lalaki nalunod sa Cagayan River
Jul 17, 2019 @ 15:30
By

Bagyong Falcon: Lalaki nalunod sa Cagayan River

Patay matapos malunod ang isang 45-anyos na lalaki sa Cagayan River sa bayan ng Gattaran, Cagayan sa gitna ng pananalasa ng bagyong Falcon.

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng biktima pero isinasagawa na umano ang retrieval operation para sa kanya.

Nalunod ang lalaki sa Cagayan River sa Barangay Calaoagan Bassit.

Samantala, nagkaroon naman ng landslide sa Nagattutan Road sa Gattaran dahil sa bagyong Falcon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?