45

Jul 17, 2021 @ 8:40
By

Bagyong Fabian pinalalakas ang habagat

Malabong magdala ng matinding pagbuhos ng ulan sa bansa ang Tropical Depression Fabian ngunit kasalukuyang pinalalakas nito ang southwest monsoon o hanging habagat.

Ayon sa PAGASA, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Zambales, Bataan, Tawi-Tawi, Sulu at Basilan dahil sa habagat.

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa naman ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pag-ulan at thunderstorm dulot ng habagat at localized thunderstorm.

Nakita ang sentro ni Tropical Depression Fabian sa may 1,365 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 70 kph.

Sa ngayon ay wala pang umiiral na Tropical Cyclone Wind Signal sa bansa.

Maaaring lumabas sandali ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si “Fabian” at papasok uli.

Inaasahang tuluyan itong lalabas ng PAR sa pagitan ng Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?