31

Jul 19, 2021 @ 13:37
By

Bagyong ‘Fabian’ lumakas

Naging isang severe tropical storm na ang bagyong ‘Fabian,’ ayon sa weather bulletin na inilabas ng PAGASA nitong alas-11:00 a.m. ng umaga ngayong Lunes.

Namataan itong may maximum sustained winds na 95kph malapit sa centro at may gustiness o pagbugso na aabot sa 115kph.

Dakong alas-10:00 a.m. ng umaga ay namataan ito sa layong 1,055 kilometro east-northeast ng extreme northern Luzon at kumikilos sa bilis na 15kph.

Dahil kay ‘Fabian’ ay lumalakas din ang epekto ng habagat sa bansa, na nagdadala ng pagulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.

Makakaranas din ng scattered rain showers at thunderstorms ang NCR, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pag-ulan at thunderstorm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,