32

Jul 19, 2021 @ 22:00
By

Bagyong Fabian, ‘Cempaka’, habagat sanib-puwersa

Pinalalakas ng bagyong Fabian at masamang panahon na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na Cempaka ang hanging habagat.

Bunsod nito ay patuloy na makararanas ng mga pag-ulan sa bansa partikular na sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.

Samantala, ayon sa PAGASA, halos nakatigil sa nakaraang anim na oras si “Fabian”.

Inaasahan itong lalabas ng PAR sa Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?