16

Jul 19, 2021 @ 20:51

Bagyong ‘Fabian’ bumirit

Naging isang severe tropical storm na ang bagyong ‘Fabian,’ ayon sa weather bulletin na inilabas ng PAGASA.

Sa report ng PAGASA, nitong Lunes ng alas-11:00 ng umaga ay namataan ang bagyo na may maximum sustained winds na 95kph malapit sa centro at may gustiness o pagbugso na aabot sa 115kph.

Naispatan ito sa layong 1,055 kilometro east-northeast ng extreme northern Luzon dakong alas-10:00 ng umaga at kumikilos sa bilis na 15kph.

Dahil kay ‘Fabian’ ay lumalakas din ang epekto ng habagat sa bansa, na nagdadala ng pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.

Makakaranas din ng scattered rain showers at thunderstorms ang NCR, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?