117

By

Bagyong Ester, pumasok na sa PAR; Batanes inilagay sa signal no. 1

Sharing is caring!

Itinaas na ng PAGASA ang Tropical cyclone warning signal number one sa Batanes matapos na lumakas at maging ganap na tropical depression o bagyo ang binabantayan nitong low pressure area (LPA).

Ayon sa PAGASA, ang bagyo na may pangalang Ester ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) 10:00 ng gabi nitong Huwebes at huling namataan sa 335 km sa hilagang-kanluran ng Basco, Batanes.

Ang bagyo na may taglay na lakas ng hangin na 55 kph at pagbugso na 65 kph ay magdadala ng pag-ulan at pagbugso ng hangin sa Batanes.

Magtutulungan ang bagyo at habagat para magdala ng katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan sa Ilocos region, Cordillera region, Zambales at Bataan.

Makakaranas din ng katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan itong Sabado at Linggo ang Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite at Batangas dahil sa habagat.

Samantala, isa pang LPA ang namataan ng PAGASA sa layong 440 kilometro sa timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur pero ito ay malabong maging bagyo ayon sa weather bureau.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?