48

Feb 18, 2021 @ 14:16
By

Bagyong Auring lalong lumalakas — PAGASA

Isa nang ganap na tropical storm ang tropical depression na Auring ayon sa PAGASA.

Anila, lalo pang lumalakas ang Auring na gumagalaw sa hilagang-kanluran na direksyon.

Ayon sa ulat ng GMA News, maaaring maranasan ang malakas na pagbuhos ng ulan sa mga sumusunod na lugar:

Visayas
Caraga
Northern Mindanao
Bicol Region
CALABARZON
Davao Oriental
Davao de Oro
Davao del Norte
Lanao del Sur
Mindoro Provinces
Marinduque
Romblon
Northern Palawan

Bandang alas-10 nang matunton ng ahensya ang sentro ng bagyo na nasa 685 km silangan ng Timog-Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur. (VAPA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?