27

Feb 19, 2021 @ 19:25
By

Bagyong Auring humina

Mula severe tropical storm, humina ang ‘Auring’ at naging tropical storm na lamang ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ngunit anila, marami pa ring mga lugar ang ilalagay ng ahensya sa Signal No. 1.

Maaari pa kasi umanong lumakas at maging severe tropical storm muli ang ‘Auring’ bago ito mag-landfall sa bansa.

“Further intensification into a typhoon within the forecast period remains less likely as of this time. ‘Auring’ will likely weaken while crossing the archipelago due to significant terrain interaction and dry air intrusion from the Northeast Monsoon,” anang ahensya sa kanilang bulletin ngayong Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?