29

Dec 30, 2017 @ 13:34

Bagyong 18 triples ng Bulls, lumunod sa Pacers

Nagpaulan ng 18 na 3-pointers ang Chicago Bulls para maalpasan ang Indiana Pacers, 119-107, nitong Biyernes (Sabado, Manila time).

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Bulls sa pangunguna ng rookie na si Lauri Markkanen na umiskor ng career-high 32 points.

Naisalpak ng mainit na ratsada ng Bulls ang 18 sa 39 nilang 3-point attempts.

Mistulang resbak ito ng Chicago matapos mapahiya nang burahin ng Pacers ang 16-point na kalamangan nito na nauwi sa 98-96 pabor sa Indiana noong Disyembre 6.

Nakauna ng 103-84 ang Chicago sa layup ni David Nwaba, may 7:46 pa sa orasan.

Pinalapit ito sa 106-95 ng Pacers mula sa basket ni Lance Stephenson, 4:49 na lang ang nalalabi pero rumesponde si Nikola Mirotic ng layup habang nakadale ng dalawang free throws si Markkanen para umabante ulit ng 15 ang Bulls.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?