168

Dec 7, 2019 @ 9:09
By

Bagunas, ‘Pinas talo vs Indonesia

‘Di kinaya ni Bryan Bagunas at national team ang Indonesia 23-25, 30-32, 20-25, sa 30th Southeast Asian Games 2019 men’s volleyball prelims Biyernes ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Kapos ang 24 points ni Bagunas at iniskor na 17 ni Marck Espejo sa semplang ng Nationals sa 2-1 sa Group B prelims habang dumeretso ang Indonesians sa 3-0.

Dikit ang tapatan ngunit nananaig lagi hanggang dulo ang Indons.

“Medyo mabigat ang laro namin kanina. Nagkulang kami pero alam namin sa sarili namin kung ano ang dapat naming gawin sa susunod na makaharap namin sila. Yun lang talaga, kailangan lang naming magsumikap pa para makuha ang game na yun,” suna ni PH 6 coach Dante Alinsunurin.

Nanguna para sa opensa ng Indonesia si Rivan Nurmulki na may 24 pts.

Dahil sa pagkatalo, may markang 2-1 record ang koponan sa Pool B at makakaharap ang bansang Thailand ang makakahambalusan ng mga Pinoy sa semifinals bukas, Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?