20

By

Bagunas, NU kinuha ang Game 1 kontra UST

Sharing is caring!

Unang sumakmal ang National University laban sa University of Santo Tomas 21-25, 25-23, 25-18, 25-17 sa Game 1 ng best-of-three finals series ng Premier Volleyball League Collegiate Conference Linggo sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pinangunahan ni Bryan Bagunas ang atake ng NU sa kanyang 16 points kabilang na ang 14 kills at 12 excellent receptions, samantalang si Madzlan Gampong ay nagtala ng 16 markers na nanggaling sa 11 spikes, four blocks at isang ace.

Maganda ang naging simula ng UST sa first set dahil sa malakas nilang pagpalo sa court, kung kaya’t nahirapan sila sa pag-receive ng bola.

Lamang ang UST 23-22 sa second set, ngunit nagkaroon ng sunod-sunod na errors na nagbigay ng tatlong sunod na puntos sa NU upang makatabla sa laro.

Kaagad nakuha ng NU ang kanilang laro sa third at fourth set kung kaya’t hindi na nakabangon muli ang UST.

“Noong first set medyo nagkaproblema kami sa receive eh tapos yung set play nila hindi kami naka-adjust,” sabi ng NU head coach Dante Alidsunurin.

“Buti na lang noong latter part ng second set naka-adjust kami sa kung anong ginagawa nila tapos noong third set nawalan sila ng receive kaya kung ano man ang gusto naming mangyari sa blocking nakuha namin,” dagdag niya.

Susubukan tapusin ng NU ang seryeng ito sa Miyerkoles.

Umiskor ng 17 points si Manuel Medina para sa UST samantalang naglapag naman ng 16 points si Joshua Umandal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?