12

Oct 22, 2021 @ 23:19
By

Bagunas, Miyoshi igagapos Wolfdogs

Igagapos ni Bryan Bagunas at ng Oita Miyoshi Weisse Adler ang Wolfdogs Nagoya sa sagupaan sa 54th V.League 2021-22 elimination round sa Japan ngayong Sabado.

May parehas na 1-1 win-loss record ang dalawang panig na magtatagpo sa alas-12:00 nang tanghali (Manila time).

Pinabulagta ang Osaka Sakai Blazers noong Sabado, pero tumaob ang Oita Miyoshi sa rematch kinabukasan, 18-25, 18-25, 18-25 sa likod na kapos na pitong atake, at tig-isang block at ace mula kay Bagunas.

Hahampas din sa araw na ito si Marck Jesus Espejo at FC Tokyo na hangad ang unang panalo.

Makakalaban ni Espejo at Tokyo (0-2) ang JTEKT Stings (1-1) sa alas-4:00 nang hapon.

Lugmok ang FC sa nakalipas na Linggo sa dalawa ring laban kontra reigning champions Suntory Sunbirds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?