66

Jul 10, 2019 @ 15:35
By

Bagunas, men’s volley nagbabatak sa SEAG

Isang karangalan ang naiuwi ng Philippine men’s volleyball team nang masungkit nito ang bronze medal award sa 2019 Thailand Open Sealect Tuna Championships nitong Martes sa Sisaket, Thailand.

Trinabaho nina powerhitter Bryan Bagunas, Marck Espejo at Ranran Abdilla ang laban para mapataob ang Saraburi-Thai Denmark via 5 sets sa iskor na 22-25, 27-29, 25-18, 25-18, 26-24.

Nagpakawala si Bagunas ng 24 points para makasampa sa podium finish ng torneo.

“Siyempre mabo-boost din po talaga ‘yung morale namin pagdating ng SEA Games po,” pahayag ni Bagunas.

“Sa tingin ko naman talaga lalaban po tayo sa SEA Games.”

Pasabog rin si Espejo ng 35 points sa laban at kinilalang Second Best Wing Spiker ng torneo.

“Sobrang laking bagay na kasama si Marck Espejo sa team. Talagang siya ‘yung magiging main man namin kapag mangangailangan kami ng points,” wika ni Bagunas patungkol kay Espejo.

Bilang parte ng kanilang paghahanda, tutungo sa Japan, China at Korea ang national team kung saan magkakaroon ang mga ito ng training camp.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?