233

Mar 16, 2020 @ 11:40
By

Baguio sinailalim na sa community quarantine

Simula ngayong Lunes, Marso 16, sinailalim na ni Mayor Benjamin Magalong ang Baguio City sa isang buwan ng ‘community quarantine,’ dahil sa patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa ulat ng PTV Cordillera, sinabing inaasahang ilalabas ang pormal na kopya ng order para sa nasabing utos.

Pinalawig din ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas ng mga paaralan, pribado man o pampubliko, sa Baguio.

Ayon kay Magalong, mula ngayong Marso 16 ay walang pasok ang mga estudyante hanggang Abril 12, 2020.

Sa ngayon, 140 na ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?