18

Mar 22, 2021 @ 14:21
By

Baguio sarado na sa mga turista mula ‘NCR plus’

Hindi muna tatanggap ng mga bisita ang Baguio City sa mga lugar na nasa loob ng ‘NCR plus’.

Inanunsyo ito ni Mayor Benjamin Magalong kasunod ng paglalagay sa ‘bubble’ ng mga residente ng Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

Dahil dito, inaasahan na bumaba ang bilang ng turista sa tinaguriang ‘Summer Capital of the Philippines’ kahit sa pagpasok ng Holy Week.

Ngayong Lunes nagsimula ang bubble sa NCR at apat pang lugar at tatagal ito hanggang April 4.

Saad ni presidential spokesperson Harry Roque, inaasahan na bumaba ng 25-percent ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa striktong general community quarantine sa NCR plus.

Tanging mga authorized person outside residence lang ang puwedeng makapasok at makalabas sa mga naturang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?