35

By

Baguio press kay Duterte: Isalba ang Balweg house

Sharing is caring!

Habang nalalapit ang pagtatapos ng taon ay unti-unti nang lumalabo ang pag-asa ng mga opisyal at tauhan ng Philippine Information Agency sa Baguio City, at maging ng mga mediamen na maisalba ang makasaysayang “Cordillera House” na dating tinirhan ni rebel priest Father Conrado Balweg, malapit sa The Mansion na nagsisilbing media center ng mga ito.

Sa harap na rin ito ng plano ng Office of the Executive Secretary na gawin ang lugar bilang Summer House o guest House ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ayon kay Romy Gonzales, correspondent ng DZRH, hanggang katapusan na lamang ng Disyembre ang PIA office at mga media men na manatili sa Cordillera House dahil nakatakda na itong buwagin para masimulan ang pagtatayo ng summer house.

Malungkot aniya ang mga taga-Baguio dahil hindi isinaalang-alang ng OES at wala ring nagawa ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) para maisalba ang lugar na maituturing na ring bahagi ng kasaysayan ng Baguio City.

Sinabi ni Gonzales na parang hindi alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano kaya nais nilang makarating sa Presidente ang kanilang panawagan para tingnan kung bakit ang Cordillera House ang gustong gawing summer house ni Medialdea.

“Parang hindi alam ni Presidente, kailangang maipaalam sana na there’s something wrong going on… bakit ka sisira ng isang building , di pumunta na lang sa The Mansion. It has been part of the Park.

Galit na galit kami, we would like to impart to the President na yung executive secretary niya, sisirain niya, sisira ng kalikasan, magpuputol pa ng mga puno. Mahal na Presidente pakitingnan po ito,” ang panawagan ni Gonzales.

Hindi maubos -maisip ng mga taga-Baguio aniya , partikular ang mga mamamahayag kung anong klaseng utak mayroon ang mga taga-Malacanang dahil maaari namang gamitin ng executive Secretary ang The Mansion dahil hindi naman ito ararw-araw na mag-oopisina sa kanilang lungsod.

“Anong klaseng utak ng mga taga-Malacanang, nakaupo lang akala mo they can do everything. Akala mo maaangkin nila yung lugar, masyadong malakas yung mga taga-Davao,” ang ngitngit pang pahayag ni Gonzales. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?