13

Oct 17, 2020 @ 16:00
By

Baguio posibleng buksan sa turista mula Metro Manila

Bago matapos ang 2020, may pag-asa na tumanggap na ng turista mula Metro Manila ang ‘Summer Capital of the Philippines’.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, napag-usapan na nila ni Mayor Benjamin Magalong ang pagpasok ng mga taga-Metro Manila sa Baguio.

“No formal date but that was one of the things we talked about with Mayor Magalong,” lahad ni Puyat.

Sa ngayon ay tanging mga bisita lang mula sa Ilocos Region ang pinapayagan na makadalaw sa Baguio.

Saad ni Puyat, kanila nang pinaghahandaan ang pagbabago sa mga protocol sakaling payagan na ang mga taga-NCR sa Baguio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?