18

Jan 4, 2022 @ 14:33
By

Baguio maghihigpit dahil sa pagsirit ulit ng Covid

Maghihigpit muli ang Baguio dahil sa dumarami na namang bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, pinagpapasyahan pa kung babawasan nila ang bilang ng mga turista na maaring makapasok sa lugar.

Ngunit aniya, papayagan pa ring makapasok ang mga nasa Alert level 3 na lugar kinakailangan lang ng mga ito sumailalim sa COVID antigen test.

“Pagmimitingan muna namin ito at plano kong i-reduce ang daily arrivals. Sa mga under Alert Level 3 na lugar ay papayagan naman nating makapasok pero subjected for antigen test sila. Kailangan muna nating maghigpit ngayon na tumataas na naman ang cases,” saad ng alkalde.

Sinabi ng alkalde na ang mga planong ito ay upang masiguro na walang magaganap na surge sa lungsod.

Samantala, pansamantalang sinuspinde ng city tourism office noong Enero 2 ang pagpapalabas ng mga bagong QTP para sa mga leisure traveller. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?