49

Jan 30, 2020 @ 15:20
By

Baguio grad nanguna sa architecture board exam

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 1,242 sa 2,229 examinees ang nakapasa sa Architect Licensure Examination (ALE) noong January 24 at January 26, 2020.

Nangibabaw sa mga nakapasa si Rhicel Gonzales Sapasap ng Saint Louis University sa rating na 84%.

Sinundan siya ng University of the Philippines-Diliman grad na si Megan Joyce Herrera Cruz sa gradong 83.20%.

Katabla ni Cruz sa 83.20% si Denel Lance Leon Dantis ng Mapua University-Manila.

Pasok sa Top 3 si Karsten Arco Asuque ng Adamson University sa 83.00% rating.

Maaaring makita sa ibaba ang kumpletong listahan ng mga nakapasa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?