16

Jan 10, 2021 @ 12:14
By

Baguio ginising ng 10.4 °C

Naitala ngayong Linggo ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City ngayong Amihan season.

Ayon sa Pagasa, 10.4 degrees Celsius ang temperatura sa lungsod kaninang 6:30 ng umaga, Enero 10.

Itong malamig na panahon ay dahil anila sa Hanging Amihan, na tumotodo sa pagitan ng Enero at Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?