27

Dec 27, 2020 @ 13:07
By

Baguio gigil sa natanggap na mga pa-expire na test kit

50,000 RT-PCR test kit galing sa Research Institute for Tropical Medicine ang natanggap ng isang pribadong diagnostic center sa Baguio City noong Oktubre, pero pa-expire na ang karamihan sa mga ito.

Kaya naman nagulat umano si Baguio City Mayor Benjamin Magalong nang madiskubre ang nasabing donasyon.

“Meron pa nga October 10, October 15 nag-expire na,” wika ng alkalde sa isang media briefing noong Miyerkoles, habang pinupunto na may mga nag-expire noong Nobyembre.

“Doon kami nagtataka and we’re raising hell,” aniya pa.

Pinabatid na aniya niya ang kanilang reklamo sa Department of Health at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Dagdag pa ng mayor, may iba pang mga lokal na gobyerno na nakatanggap din ng mga pa-expire nang test kit. Hindi naman niya binanggit ang tinutukoy na mga LGU.

Samantala, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon na “never” nag-donate ang ahensiya at ang government-run RITM ng expired test kit sa mga lokal na gobyerno.

“Baka po doon sa mga laboratories na nabigyan na namin dati ay nagkaroon na po ng expiry over the months that we had been using this RT-PCR,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?