19

Aug 30, 2020 @ 14:11
By

Baguio ‘di bongga ang 111th founding anniversary celeb

Magiging simple lang ang pagdiriwang ng Baguio City para sa ika-111 na founding anniversary nito, habang nilalabanan pa ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Ayon ito kay Mayor Benjamin Magalong, Linggo, habang sinasabi na nasa 200 katao ang iimbitahan sa event.

“It’s a very simple ceremony, wala na pong fanfare,” dagdag ng alkalde.

Si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat aniya ang guest of honor at speaker sa pagdiriwang.

Aakyat din aniya ang ilang gobernador sa Ilocos region para sa founding anniversary ng Baguio sa Setyembre 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?