138

Oct 27, 2017 @ 18:15

Baguio City, bawi-korona sa QC sa Batang Pinoy

VIGAN CITY — Binadya ng 2010-13 o 4-time overall champion Baguio City na mabawi ang karangalan sa 2014-15 titlist Quezon City sa natakdang pagtiklop kahapon ng 11th Batang Pinoy 2017 Luzon Games dito at sa labas ng lungsod ng Ilocos Sur.

Sa huling medal tally, may 33 gold, 34 silver at 33 bronze na ang Summer Capital, may kalayuan sa City of Stars na nasa ikapito lang sa 126 local government units sa 13-14-13 patungo sa ilang final disciplines ng 15-below, 20-sport weeklong event na binabalangkas ng Phil. Sports Commission.

Nagpalayo sa Baguio ang sinukbit na nine golds sa taekwondo sa Vigan Convention Center, seven golds sa arnis sa Pantay Daya Covered Court, two golds sa archery sa San Ildefonso Central School sa San Ildefonso town at isa sa swimming sa Quirino Sports Complex pool.

Umiihip sa bumbunan ng Baguio ang Laguna na may 28-18-15 kasunod ang Dasmariñas City (21-9-21).

Ito’y kahit pa nakuha ng Kyusi ang most bemedalled tanker sa katauhan ni Althea Michel Baluyot na may six swim golds, tampok ang pamamayagpag sa girls 13-15, 50-meter freestyle at sa 15-under 4×200 free.

Sa badminton sa VCC, tinrangkahan ni double gold-winner Jochelle Alvarez ang nadaleng apat ng Pila-Laguna sa girls singles at doubles. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?