148

Dec 26, 2017 @ 15:25

Baguio City 2 beses inuga ng lindol

Dalawang magkasunod na lindol ang tumama sa summer capital ng bansa, ang Baguio City, dahilan para lumabas ng kani-kanilang mga hotel ang mga turista at bakasyunista doon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang tumama ang 4.6-magnitude na lindol bandang alas-12:12 ng tanghali at nasundan ito ng 3.5-magnitude pagkatapos ng limang minuto.

Ang tectonic origin ay naitala sa north east ng Kayapa, Nueva Viscaya.

Wala namang naiulat na nasaktan at wala ring pagkasira na naitala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?