97

By

Baguhang aktor gustong makaranas ng sexual harassment

Sharing is caring!

Malapit sa puso ni Direk Jason Paul Laxamana ang baguhang artista, o ‘yung mga kabataan na nangangarap maging artista, pero hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Kuwento ni Direk, ganun na ganun ang naranasan niya, na madalas ay tanggihan ng mga producer ang mga pelikulang iniaalok niya. Kaya ramdam daw niya ang pinagdadaanan ng mga ‘unknown’ na gustong mag-showbiz.

Sa presscon ng Bakwit Boys (na isa sa mga pelikulang mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino), ipinakilala nga si Vance Larena, na bagama’t matagal na ring umaarte sa teatro, at nakalabas na rin sa isang pelikula, ngayon lang talaga siya nabigyan ng pagkakataon na magbida.

Isang palabang lalaki na nasa evacuation center sa Pampanga, ang role niya. Sina JC Santos, JM de Guzman ang mga aktor na gusto niyang tularan, dahil ang mga role na ginampanan ng dalawang aktor na ‘yan sa entablado ay minsan na ring ginampanan ni Vance.

Anyway, sa kuwento ni Direk Jason, napili niya ang mga iba pang bida sa Bakwit Boys, dahil na rin sa kanilang mga katangian. Si Vance ay dumaan sa audition, at bagay raw talaga ang role na ‘yon sa binata.

Ang husay sa paggitara ni Ryle Santiago ang naging pasaporte para mapasama siya sa movie. Si Devon Seron ay nakatrabaho ni Direk Jason sa Puwera Usog sa Regal Films, kaya alam niyang mahusay itong aktres.

Si Nikko Natividad ay napanood daw niya sa PBB na kung saan ay pinaarte ito ni Direk Rory Quintos. Si Mackie Empuerto (kasama sa TNT Boys) ay nakita niya sa isang singing contest nung nag-judge raw siya.

Anyway, musical kasi ang Bakwit Boys. At anim na original na kanta ang ginawa para sa pelikulang ito.

“When Direk Jason pitched the concept to me and said he wanted to give a break to the composer, I said, ‘Game!’ I didn’t need to hear the songs. I was already hooked by what he wanted to achieve,” sabi ni Rex Tiri, ang executive producer ng T-Rex Entertainment.

Siyanga pala, going back kay Vance, na naikuwento nga niyang ang dami-dami na niyang pinagdaanan, tinanong nga siya kung wala bang nagsamantala sa kanya, o tipong nakaranas siya ng sexual harassment.

“Wala. Mananawagan nga ako. Hahahahaha!” pabirong sagot niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?