42

Jun 6, 2019 @ 22:48
By

Bagsik ni Manuel, lapit nang bumalik

Sinulit ni Vic Manuel ang minutong binigay sa kanya ni coach Alex Compton, kahit limitado ang oras ay nag-deliver ang 6-foot-4 power forward sa 103-80 win ng Alaska kontra Magnolia nitong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Wala si Manuel sa buong PBA Philippine Cup at sa unang apat na laro ng Aces sa Commissioner’s Cup. Nakakarekober na siya mula back injury nang abutin naman ng panibagong calf injury.

Sa loob ng 8:48 off the bench, nagsumite si Manuel ng 6 points mula 3 of 5 shooting, may isang rebound.

“It’s great to see him back,” ani Compton sa kanyang top local. “Now we gotta make sure we keep him healthy.”

‘Di nagpatumpik-tumpik ang Alaska para dominahin ang all-Filipino runners-up Hotshots.

Inumpisahan nina Chris Daniel, Jayvee Casio at Chris Banchero ang ratsada ng Aces bago nakisali sina Jeron Teng at Simon Enciso.

Ayon kay Compton, angat sa 3-2 ang Alaska dahil nasuwertehan nilang wala pa sa tamang ritmo ang Magnolia.

“I think we caught them tired, with a lack of preparation,” anang coach. “You don’t see another team’s best when they’re coming off the finals, in their first game.”

Nagsumite si Daniels ng game-high 23 points mula perpektong 4 for 4 shooting sa labas ng arc, walang sablay sa unang anim na tira si Casio tungo sa 17 points. Nagdagdag si Teng ng 12 points at 12 rebounds, 11 kay Enciso. Naka-8 points lang si Banchero pero namigay ng 11 assists.

Sa kabila, nanguna ang 17 points at 9 rebounds ni Ian Sangalang sa Hotshots, may 15 si Marc Barroca. Si import John Fields ay nagkasya sa 12 points mula 4 of 11 shooting at may 6 boards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?