19

Sep 10, 2021 @ 11:52
By

Bagsik ni Jolina: 14 patay, 7 nawawala

Labing-apat katao ang naiulat na namatay habang pito ang nawawala sa hagupit ng bagyong Jolina, batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes.

Sa mga ito, isa pa lamang sa mga nasawi at apat sa mga nawawala ang kumpirmado na.

Patuloy na kinukumpirma ng NDRRMC ang kinahinatnan ng 13 nasawi umano at ng tatlo pang nawawala.

Bukod dito may 20 pang naiulat na sugatan.

Sa kabuuan, 109,680 katao mula sa 28,444 pamilya ang apektado kay Jolina.

Habang tapos na ang hagupit ni Jolina, inaasahan namang papasok sa bansa ang bagyong Kiko na mananalasa sa hilagang Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?