29

Mar 9, 2020 @ 16:23
By

Bagsik ni Chabi Yo unti-unting lumalabas

Martsa sa ikalawang dikit na tagumpay ang UST Builders Warehouse sa kaagahan ng 2020 PBA D-League Aspirants Cup matapos tambakan ang Diliman College, 106-93, kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Tumikada ng 24 puntos kasama ang 10 rebounds, 2 blocks at 1 assist si Soulemane Chabi Yo para payukuin ang Blue Dragons sa kanilang unang laro sa liga.

Katuwang nito sa opensiba si Dave Ando matapos kumamada ng 14 markers at 11 boards habang si Rhenz Abando ay may 13 marka at 4 caroms para ibigay sa Espana-based squad 2-0 panalo-talo kartada.

First quarter pa lang ay umuusok na ang UST Builders Warehouse sa inilistang 37 points habang nalimitahan lamang ang Diliman College sa 18 puntos.

“The past three or four games hindi pa nakakapaglaro ng maayos si Chabi [Yo],” pahayag ni UST head coach Aldin Ayo sa ginawang dominant play ni UAAP Season 82 MVP Chabi Yo.

“We told him to play well and make sure na makakuha din siya ng confidence.”

Walang namang bisa ang ginawang 30 game-high points ni Abdoulaye Niang para sa Diliman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?