572

Jan 1, 2018 @ 18:33
By

Bagong withholding tax computation dapat sundin ng employers

Puwede nang simulan ng mga kumpanya ang recalibration ng kanilang payroll systems at software.

Ayon kay Leyte Rep. Henry Ong, ngayong naglabas na ang Bureau of Internal Revenue ng circular para sa bagong withholding tax computation, kailangan itong sundin ng employers at taxpayers.

Sabi ni Ong, tiyak na excited ang mga empleyado sa bagong exemption level at sa bagong income tax brackets.

Ang probisyon ng TRAIN Law sa income tax exemption ang pinaka-aabangan dahil malilibre na sa buwis ang taunang kita na hanggang P250,000 kaya inaasahang magpapataas ito sa take-home pay ng mga manggagawa.

Naunang hiniling ng kongresista sa BIR na magpalabas ng guidance sa magiging kuwenta sa income tax base sa TRAIN tax reform para agad aniyang maramdaman ito sa unang payday ng 2018. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?